PNP, nakahanda na sa seguridad ng arraignment ni Napoles

NAKAHANDA NA ang Philippine National Police (PNP) sa ipatutupad na seguridad ngayong Lunes para sa pagbasa ng sakdal kay Janet Lim-Napoles na nahaharap sa kasong Illegal Detention sa Makati City Regional Trial Court Branch 150.

Sinabi ni PNP spokesman S/Supt. Reuben Theodore Sindac na mismong si S/Supt. Noli Taliño ng PNP-SAF ang mangunguna sa ipatutupad na seguridad.

Ang kasong illegal detention ay isinampa ni Benhur Luy na isa rin sa whistleblower sa P10 billion na PDAF scam.

Si Napoles ay nakakulong ngayon sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna matapos na sumuko kamakailan kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Samantala, nasa walong mga testigo rin ang ihaharap umano ng prosekusyon laban kay Napoles sa pagdinig sa kaso.

Ayon kay State Pro-secutor Christopher Garvida, ipiprisenta ang mga testigo sa hearing kaugnay ng urgent petition for bail ng negosyante.

Noong Biyernes, hindi pinagbigyan ni Judge Elmo Alameda ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang hirit ng kampo ni Napoles na “motion to defer arraignment”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.