PNP: Mga suspek sa krimen, ‘di puwedeng gulpihin

HINDI DAPAT saktan o gulpihin ang mga nahuhuling suspek sa anumang krimen.

Ito ang nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang karapatan ang sinuman, maging ang kasapi ng PNP sa pananakit sa mga mahuhuli nila.

Sinabi ni Police Deputy Director General Felipe Roxas, deputy chief for PNP administration na maaaring arestuhin ng mga awtoridad ang sinumang mananakit o mambubugbog na sibilyan o maging pulis sa mga suspek.

Sa kaso naman ni Vhong Navarro, inihayag ni Roxas na sakaling nabanggit ng aktor na binugbog siya ng mga nagdala sa kanya sa presinto ay puwedeng dakpin mismo ang mga ito at imbestigahan ng pulisya.

Gayunman, tumanggi nang magbigay ng iba pang pahayag ang pamunuan ng PNP dahil tinututukan na ng Taguig Police ang naturang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “PNP: Mga suspek sa krimen, ‘di puwedeng gulpihin

  1. Wala naman talaga silang rights na gugulpihin ang kahit sino mang suspek lalong lalo na kung di pa napapatunayan ang nagawang kasalanan..Karamihan sa mga autoridad sa atin masyadong feeling kung makahawak nang baril akala na nila kung sino na sila.Speaking baril nahalata ko lang na yong mga pulis sa atin dinadala nila yong baril sa bahay bakit ganyan?Sa ibang bansa hindi iniwan nila yan sa presento.

Leave a Reply

Your email address will not be published.