PNP Maritime Command-NCR, Inutil sa Pagsugpo ng Illegal Fishing

INUTIL AT WALANG silbi ang pamunuan ng PNP Maritime Command-NCR laban sa mga gumagamit ng dinamita sa pangingisda sa Manila Bay bunga ng kawalan ng modernong sasakyang pandagat.

Ayon kay P/Sr. Supt. Ronaldo Ulay, Maritime-NCR chief, sa kasalukuyan, dalawang rubber boat lamang ang kanilang pinagtitiyagaang gamitin at isang fast boat na sira ang makina.

Sinabi ng ilang tauhan ni Ulay, kapag wala silang magamit na sasakyang pandagat para magsagawa ng routinary patrol sa mga baybaying-dagat sa NCR ay umaarkila na lamang sila ng bangka sa loob ng Navotas Fish Port.

Anila, nagmumukha silang patpat na nakalutang sa laot para sa pagtugis nila sa mga nagsasagawa ng illegal na pangingisda dahil lubos na mabibilis at modernong mga sasakyang pandagat ang ginagamit ng mga ito.

Sa kasalukuyan, humi-hingi sila ng ayuda sa pamunuan ng PNP na bigyan sila ng kaukulang pondo upang makabili ng mga modernong sasakyang pandagat para masugpo ang mga illegal fishing.

Bukod dito, ang PNP Maritime Command ang gumaganap din bilang police enforcer sa loob na Navotas Fish Port.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.