PNP, lume-level up na; e-blotter, ilalarga

APAT NA ARAW bago iwan ang puwesto, inilunsad sa Philippine National Police (PNP) ang e-blotter o pagtatala ng mga insidente sa computer.

Ang e-blotter ay bahagi ng modernisasyon sa PNP at sinasabing legacy ni outgoing PNP Chief Dir. Gen. Raul Bacalzo.

Ayon kay Bacalzo, layon ng naturang hakbang ang mapabilis ang pagsasalin ng impormasyon ng mga insidente mula sa mga police station patungong national general headquarters sa Camp Crame.

Sinabi ni Bacalzo na kahapon ay maglalaan ng mga computer sa National Capital Region Police Office na mangunguna sa nasabing sistema.

Nilinaw naman ng heneral na ang nasabing computer ay pawang donasyon at hindi galing sa pondo ng pamahalaan.

Positibo rin si Bacalzo na malaki ang maitutulong ng nasabing sistema dahil made-detect agad kung ano ang status ng imbestigasyon o kaso.

“Makikita agad natin ‘yung reaction eh, particularly sa investigation du’n sa police response kasi makikita natin kung ang ating station ay kumikilos o hindi. So sa pamamagitan po ng pagsu-supervise by regional headquarters or national headquarters ay nakikita po agad kung sino ang mabagal magresponde at mabagal mag-investigate,”  ayon pa kay Bacalzo.

Tiniyak naman ni Bacalzo na mananatili ang mga blotter journal o ang malalaking notebook na nilalagyan ng ulat dahil mahalaga pa rin ito bilang reference. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.