PNP investigators, bawal nang magpa-interview

PINAGBABAWALAN NG mag-pa-interview sa media ang mga imbestigador ng Philippine National Police hinggil sa mga kasong kriminal na kanilang hinahawakan.

Sinabi ni  PNP Public Information Office Chief P/Chief Supt Reuben Theodore Sindac, na layunin ng natu-rang direktiba na hindi malagay sa alanganin ang mga follow-up operations ng mga awtoridad sa isang krimen.

“Some of the investigators and other police personnel are pressured to release information that would unduly compromise ongoing investigation and police operations. So ang emphasis there should be no disclosure of investigation being conducted by the police,” ayon kay Sindac.

Aminado naman ang opisyal na karamihan sa nasabing mga kaso na nagkaroon ng iba’t ibang opinyon ang publiko ay sanhi ng pagpapasiyasat ng mga imbestigador sa mediamen na nangyari sa Kamaynilaan.

Madalas dahil sa pagtatanong ng media sa im¬bestigador ay nakakapagbigay ito ng mga sensitibong impormasyon na nakakaapekto sa tinatakbo ng ope¬rasyon at minsan pa ay nakakapagbigay ng sariling kuro-kuro.

Dahil dito, tanging ang mga itatalagang spokesman ng kanilang mga opisyal ang pwedeng ma-interbyu ng media upang makuha ang mga kinakailangang impormasyon sa isang kaso o krimen.

Iginiit pa ni Sindac na matagal na umano ang kautusang ito sa mga imbestigador pero dahil hindi nasusunod ay mas naghigpit si Purisima.

Samantala, ang sinumang police investigator na mahuhu¬ling nagbibigay pa rin ng impormasyon sa media ay mahaharap sa kasong insubordination.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “PNP investigators, bawal nang magpa-interview

  1. Pingback: PNP investigators, bawal nang magpa-interview - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.