PNP, Iginiit na Walang Whitewash sa Orate Slay Probe

IGINIIT NG Philippine National Police (PNP) na walang whitewash sa ginawa nilang pagsisiyasat kaugnay sa pagkamatay ng negosyanteng si Noel Orate, ang long-time boyfriend ni dating Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza.

Ayon kay QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit head C/Insp. Rodel Marcelo, nagkaroon aniya ng “fairness and prudence” ang kanilang mga im-bestigador sa paghawak sa nasabing kaso.

Kasabay nito, sinabi rin ng opisyal na iginagalang nila ang pasya ng pamilya ng biktima ng dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa reinvestigation ng kaso.

Una nang inirekomenda ng piskal ang pagsasampa ng kasong homicide laban sa suspek na si Bulacan provincial board member Allan Robles.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Marcelo na nakalaya na ang suspek matapos na makapagpiyansa kamakalawa ng hapon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.