PNP, Higpitan ang Gun Ban Implementation – Palasyo

INIUTOS NG Palasyo sa Comelec at PNP na higpitan pa ang pagpapatupad ng election gun ban.

Sa harap ito ng ser-yeng naitala mula sa pamamaril sa loob ng korte sa Cebu City, sa pagpaslang sa Maconacon, Isabela mayor kamakailan at pamamaril sa isang pulis sa Malabon kahapon ng umaga.

Maliban dito, may i-lang barilan ding naitala sa mga lalawigan at nakalusot sa gun ban.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lahat ng mga naitalang kaso ng pamamaril ay ikokonsidera ng PNP.

Sinabi pa ni Lacierda na hangad nila ang mas mahigpit na implementasyon ng mga checkpoint at pagbabantay sa mga posibleng target.

Una nang kinondena ng Malacañang ang pagpatay sa Isabela mayor at tiniyak ang masusing pagsisiyasat sa krimen para makamit ang hustisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.