PNP GENERAL INAMBUS

ORMOC CITY – BAHAGYANG naligtasan ng isang retiradong PNP General ang tiyak na kamatayan mula sa mga tumambang sa kanya nang mabilis itong makapag maniobra na naging dahilan upang sumibat ang kanyang ambushers.

Bandang alas-4 ng hapon noong Linggo ay dumating sa Ormoc City Police Precint 1 ang retiradong si C/Supt. Edwin Pflieder at isinalaysay ang naganap na pananambang sa kanya.

Ayon kay Pflieder, sakay umano siya ng kanyang Pajero na may plakang XVX-850 at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. San Pablo, Ormoc City papunta sa city proper ng isang single na motorsiklo na may sakay na dalawang di-kilalang kalalakihan dakong alas-3:45 ng hapon ang biglang humarang sa kanyang daraanan.

Inutusan umano niya ang kanyang drayber na magpatuloy sa pagmaneho sa takot na baka may masamang balak sa kanila ang mga salarin kaya nilagpasan lang nila ang mga ito. Subalit ilang minuto lamang ang lumipas ay nag-overtake na naman sa kanila ang pulang motorsiklo na Honda XRM at bigla na lang umano silang pinagbabaril ng sakay sa nabanggit na motorsiklo.

Sa istasyon ng pulis ay ipinakita din ni Gen. Pflieder ang kaliwang bahagi ng kanyang Pajero kung saan ito ay butas-butas mula sa bala ng baril at maging ang isang headlight nito ay nabasag din dahil sa tama ng bala.

Si SPO3 Leo Enalisan, imbestigador ng PP1 na unang rumesponde at nag-imbistiga sa nasabing pamamaril ay nagpahayag din na ang tinutukoy umano ni Pflieder na lugar ay malapit sa isang funeral parlor ng nasabing barangay kung saan nagpahayag ang mga residente na nakarinig sila ang mga putok ng baril.

Sa kanyang ulat kay Ormoc City (PNP) Director P/SSupt. Nilo Donayre na may ilang mga taga-roon ang nakasaksi sa ginawang pamamaril sa sasakyan ng retiradong heneral subalit hindi daw nila nakilala ang mga salarin.

Ibinunyag naman ni P/SSupt. Nilo Donayre sa isang interview na duda umano si Pflieder na ang nasabing pananambang sa kanya ay may kaugnayan sa pamamaril noong nakaraang buwan na ikinamatay ng kanyang “transport business” rival.

Inamin din umano ni Pflieder kay Donayre na siya (Pflieder) umano ang pinagdudahang “utak” sa pagpatay kay Manuel Granados, na may-ari ng Van-van Tours services na kakumpitensiya naman ng Duptours ni Pflieder.

(Roberto C. Dejon)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.