PNP, full alert sa SONA

MISMONG SI Philippine National Police (PNP) Chief General Nicanor Bartome ang sIyang nanguna sa pagtiyak ng kahandaan ng “Task Force Kapayapaan” para na rin sa pagtiyak ng kabuuang kapayapaan ng pagsasagawa sa ikatlong ulat sa bayan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III o State of the Nation Address (SONA).

Ilan lamang sa personal na nilibot ni Bartolome ang mga lugar na daraanan patungo sa Batasan Complex, kasabay ng pagdeklara dakong alas-12 impunto ng tanghali kahapon sa pinakamataas na status para sa mga kawani ng PNP o full alert sa mga nakatalaga sa bahagi ng Region 3, Region 4A at National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Generoso Cerbo Jr., magkasabay na inatasan ni Bartolome sina NCRPO P/Dir. Alan Purisima at C/Supt. Dela Vega ukol sa direktiba na pagtiyak sa lahat ng makikiisa sa SONA ng pangulo higit ang pagbabantay sa mga militanteng grupo na mga magpapahayag ng kanilang mga saloobin sa mga panguhaning lansangan sa Metro Manila.

Bukod sa NCR at Region 3 at 4-A ay full alert status din ang Region 9, 10, 11, 12, 13, ARMM, at lahat ng mga kawani ng Special Action Force (SAF) ng PNP.

Katulad aniya ng mga nakagawian, asahan ang mga presensiya ng PNP sa mga pa-ngunahing lansangan lalo’t aabot sa 6,000 kawani ng PNP mula sa NCRPO ang nakakalat, iba pa ang mga dagdag na puwersa mula sa MMDA, at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpaabot din ng suporta sa PNP sakaling kailanganin ng tulong.

Tiniyak naman ni Cerbo kaugnay sa mariing kautusan ni Bartolome na igagalang ng PNP ang karapatang pantao ng bawat isa lalo na sa mga militante na inaasahan na nila ang malawakang protestang gagawin.

Pakiusap lamang ng PNP na sundin din ng iba’t ibang grupo ng militante ang napagkasunduan kung hanggang saan lamang dapat ang mga ito para sa kanilang mga programa. Huwag din aniyang pilitin ang mga ayaw sumama sa kanilang kilos-protesta.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.