PNP: ‘Di lahat ng mga pagsabog, kagagawan ng mga terorista

PINAKALMA NG pambansang pulisya ang ilang sektor sa lipunan na hindi dapat ikabahala ang serye ng mga pagpapasabog o pambo-bomba na nangyayari sa i-lang lugar bansa.

Ayon kay PNP PIO chief S/Supt Reuben Sindac, hindi lahat nang insidente ng bomb threat sa ilang bahagi ng Mindanao ay may kinalaman sa terorismo.

Nilinaw rin ng tagapagsalita ng PNP na ang pagsabog sa Kabacan, North Cotabato ay baka personal ang dahilan bunsod na ang target ay ang Cafgu member.

Ang naganap na namang pambobomba nitong nakalipas na araw sa Maguindanao na ikinasugat ng pitong mga sundalo ay iba ring kaso dahil nadaanan ng kanilang sasakyan ang landmine.

Ang pinasabog namang tulay na Lintukan Bbidge sa border ng Datu Piang at Datu Salibo sa Maguindanao ay iba ring kaso dahil nais na pigilan ng “lawless groups” ang maayos na pagresponde ng militar gamit ang kani-lang mga tangke.

Sa isyu naman ng pagsabog sa Cotabato City ayon kay Col. Sindac ang nakakalap na ebidensya ay natutumbok na may kinalaman ito sa banta sa city administrator.

Ikinagalak din ng PNP ang desisyon ng lokal na pamahalaan ng Davao na ituloy ang mga aktibidades sa Kadayawan festival na nagpapakita lamang na maayos ang peace and order sa syudad at hindi magpapaapekto sa mga pagbabanta.

Kasunod naman ito ng  bomb threat sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa Maynila, pagkalat ng bomb threat sa pamamagitan ng text messages sa Davao City, Cebu City, bomb scare sa Pagadian City at napigilang pambobomba umano ng Abu Sayyaf members sa Basilan at Zamboanga.

Nanawagan pa ang PNP sa mamamayan na ‘wag maging bahagi sa  pagpapakalat ng mga maling impormasyon ng pagpapasabog.

Kung may kahina-hina-lang ding bagay sa kanilang lugar dapat maging alerto at ipagbigay alam kaagad ito sa mga kinauukulan.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa mga awtoridad kung may kahina-hinala ring bagay sa kanilang lugar dapat maging alerto at ipagbigay alam kaagad ito sa pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.