PNP, ‘di ‘inilaglag’ si Marantan – Roxas

HINDI “INILAGLAG” ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na nanguna sa  barilan sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.

Ito ang naging pahayag ni Department Interior and Local Goverment (DILG) Secretary Mar Roxas.

Sinabi ni Roxas na hindi tinalikuran ng PNP si Police Supt. Hansel Marantan dahil siya mismo ang tumangging sumailalim sa pagsisiyasat.

Magkaiba aniya ang kahulugan ng “paglalaglag” at “pagtatakip” at tanging ang batas lang ang kinakatigan ng DILG at PNP.

Patuloy naman ang panawagan ni Roxas kay Marantan na sumailalim na sa pagsisiyasat upang ma-bigyang-linaw ang pagkasawi ng 13.

Samantala, idinepensa ni Roxas ang umano’y nalalaman ng Palasyo sa Coplan (case operation plan) “Armado” na puno’t dulo ng madugong barilan sa Atimonan.

Bagama’t hindi pa aniya batid ang kabuuang report ay naniniwala naman si Roxas na hindi babasbasan ng Palasyo ang anumang ilegal na aktibidad.

Samantala, una nang sinabi kamakalawa ni Calabarzon Police Director Chief Supt. James Melad na inirekomenda ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nasabing coplan sa Quezon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.