PNP-CIDG, Pinasisibak ang Tauhang Sangkot sa Extortion

 

IPINAG-UTOS NI PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director, Police Director Samuel Pagdilao Jr. ang pagsibak sa mga miyembro ng Anti-Fraud and Commercial Crime Division (AFCCD) na mapatutunayang sangkot sa extortion sa isang Chinese sa Maynila.

Inatasan din ni Pagdilao si CIDG Deputy Director for Administration, Chief Superintendent Benito Estipona na magsagawa ng fact finding investigation hinggil sa naturang sumbong.

Nabatid na inaresto ng mga tauhan ng AFCCD ang isang Chinese sa Ongpin dahil sa umano’y paggamit ng droga at hiningan umano ng P1.5 milyon kapalit ng kanyang kalayaan.

Sinabi ni Pagdilao na dapat agad na sampahan ng kaso at isalang sa summary hearing proceedings ang mga mapatutunayang sangkot sa transaksyon.

Ipinag-utos din ni Pagdilao ang review at assessment sa morale at efficiency ng mga tauhan partikular na ang leadership qualities ng mga commanders at sub-commanders.

Tiniyak ng heneral na hindi nila kukunsintihin ang anumang katiwalian ng kanilang mga tauhan.

(EUNICE  CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.