PNP choppers at rubber boats, ‘di pinagagamit ng Malacañang

IDINEPENSA NGAYON NG Palasyo ang desisyon ng pamunuan ng Philippine National Police na huwag i-pagamit sa rescue at relief operation sa kalamidad ang mga rubber boats at helicopters na sinasabing maanomalya ang pagkakabili.

Una nang pinahayag ni PNP chief Nicanor Bartolome na hindi nito ipagagamit ang mga nasabing rubber boats at choppers kahit kinukulang na sila ng kagamitan dahil gagamitin ang mga ito bilang ebidensiya.

Hindi lang dahil gagamitin bilang ebidensiya kundi sa kapasidad mismo ng mga sasakyan, ayon naman kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Mayroon ding “mismatch” sa specifications ng outdoor motor at rubber boat kaya hindi maaaring gamitin sa operasyon, ani Valte.

“If you remember, hindi lang po ‘yon dahil doon sa ebidensiya. Mayroon din pong mismatch kasi roon sa rubber boats na na-procure to a point na hindi po siya usable dahil mayroon pong mismatch between the specifications of the outdoor motor and the rubber boat itself na hindi po siya puwedeng gamitin together. So hindi po talaga tugma ‘yong motor na nakuha nila at saka ‘yong actual rubber boats. So baka po mayroon ding concern kung… It’s not that ayaw po ‘yang ipagamit, it’s the matter of hindi po siya magagamit dahil hindi ho siya tatakbo nang maayos,” dagdag pa ni Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “PNP choppers at rubber boats, ‘di pinagagamit ng Malacañang

  1. Maski na pala lubog na lubog na ang Pinas, di parin ipapagamit ang mga boats and boots, mas important pa ang politica kesa mga buhay ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.