PNP Chief Purisima, Sisibakin na ang mga Tiwaling Pulis

“NO MULITI-TASKING policy” ang prayoridad ng bagong talagang PNP chief na si Alan Purisima, at target nito ang mga tiwaling pulis.

Sa kanyang pag-upo bilang ng bagong hepe ng Philippine National Police(PNP), binantaan ni General Purisima ang mga tiwaling miyembro ng pulisya, at desidido itong alisin ang naturang mga PNP personnel sa ilalim ng kanyang termino.

Ayon kay Purisima, ngayon na ang panahon para ipakita nila sa publiko na sila’y mabuting halimbawa ng sambayanan.

Iginiit ni Purisima na paiiralin nito ang “no multi-tasking policy” o ang pagbabawal sa paggawa ng iba pang trabaho na labas ng itinakdang duties and responsibilities.

Naniniwala si Purisima na maiiwasang magkapatung-patong ang mga kasong nabibinbin kung hindi mahahati ang atensiyon ng mga pulis.

Magsisilbi si Purisima bilang PNP chief sa susunod na tatlong taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.