PNP Chief Purisima, ‘Di Kuntento sa ‘Oplan Katok’

PINAGALITAN UMANO ni Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima ang ilang task group commander matapos hindi makuntento sa ipinatutupad na “Oplan Katok”.

Matapos ang pulong ng mga opisyal ng PNP kamakalawa, hinamon ni Purisima ang mga task group commander sa 15 itinuturing na high-risk areas na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms o mga baril na paso o walang lisensya.

Sa ilalim ng nasabing  kampanya, nagbabahay-bahay ang mga pulis at kinukumpiska ang mga loose firearms.

Ayon kay Purisima, layunin ng pagpapaigting ng “Oplan Katok” na maiwasan ang pagdami ng loose firearms lalo’t papalapit na ang eleksyon.

Sinabi ng PNP na mahigit 500,000 na ang mga maituturing lose firearms o hindi lisensyado.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.