PNP Chief Bacalzo bitbit nina Col. Ricaforte, Lito Millora at Bong C. “JUETENG SA PANGASINAN”

PANGASINAN – SA MULING paglaganap ng iligal na sugal sa lalawigang ito, kasabay na pumaimbulog naman ang pangalan ni Philippine National Police Director General Raul Bacalzo na siya umanong nagbigay ng “go signal” upang mamayagpag na muli ang Jueteng sa Pangasinan.

Ito ang ipinaabot sa Pinoy Parazzi ng ilang bagong upong barangay officials sa nasabing lalawigan na sa ngayon ay sila umano ang nagkakaroon ng problema kung paanong ipatitigil ang nasabing lantarang operasyon ng Jueteng sa kani-kanilang lugar.

“Paano mo ipapasaway sa mga tanod ang mga kubrador na ‘yan samantalang mismong pulis nga ay pinapayagan dahil may basbas daw ‘yan ni PNP Chief General Bacalzo? Eh ‘di, kami pa ang malalagay sa panganib niyan!”

Ang pahayag na ito ng nasabing impormante ay agad namang itinuwid ng ilang pari sa lalawigan.

Ayon sa mga alagad ng simbahan, bagama’t totoong naging higit na talamak ang Jueteng sa Pangasinan sa panahon ngayon, naniniwala umano sila na ang paglutang ng pangalan ni PNP Chief Bacalzo ay disenyo lamang dahil ang mismong nagpapalutang umano ng pangalan ni Bacalzo ay sina PNP Provincial Director Col. Rosueto Ricaforte, Lito Millora at Bong C.

Dahil dito, mas higit umanong pinaniniwalaan ngayon ng simbahan ang mga naunang ulat na sina Col. Ricaforte, Lito Millora at Bong C. ang nagpapatakbo ng nasabing iligal na sugal, ngunit pilit lang umanong kinakaladkad ng mga taong ito ang pangalan ng PNP chief upang hindi sila maaaring salungatin ng mga local chief executives.

Idinagdag pa ng nasabing mga pari na unawa na umano nila ang walang pakundangang operasyon ng Jueteng sa Pangasinan dahil nga sa kamandag ni Col. Ricaforte bilang Provincial Director, kaya nga maging sa harap mismo ng mga simbahan ay talamak ang tayaan.

Ang hindi lang umano nila nauunawaan dahil kung totoo nga na “wala itong basbas” mula kay Gen. Bacalzo, bakit hindi umiiral ang “one strike policy” at bakit mistulang hindi takot dito si Col. Ricaforte? (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.