PNP bumuo ng team vs bunkhouse probe

BUMUO NA ng 6-man team ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang sinasabing overpricing sa pagpapatayo ng mga bunkhouses para sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.

Matapos atasan ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery Panfilo Lacson, sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) head C/Supt. Benjamin Tagalong na kaagad nilang idineploy sa Eastern Visayas ang naturang grupo para masimulan ang preliminary investigation.

Kinumpirma rin ng nabanggti na opisyal na mayroon na silang “sources of information” bagama’t wala pa aniya silang plano na magpatawag ng mga personalidad.

Una nang itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson ang naturang isyu.

Samantala, sa naunang expose ni Lacson, tinukoy nito ang natanggap na ulat hinggil sa umano’y 30-35 porsyentong komisyon ng ilang personalidad para masolo ang bunkhouse project.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.