PNP Bukas sa Donasyon Para sa Habagat Victims

WELCOME SA Philippine National Police (PNP) ang pagtanggap ng donasyon mula sa iba’t ibang sektor na nais tumulong para sa mga nabiktima ng bagsik ng habagat sa bansa.

Ayon kay Police Community Relations Group Dir C/ Supt. Bernardo Florece na bagama’t marami na aniya ang nagpapa-abot ng tulong ay kulang pa rin ang kanilang natatanggap dahil sa dami ng mga pamilya’t indibidwal na naapektuhan ng walang humpay na mga pag-ulan noong isang lingo.

Inihayag pa nito na sa kabila ng mga stock ng relief goods, hindi ito sapat para mabigyan ang humi-hingi ng kanilang tulong.

Kaya naman nanawagan ito sa lahat ng nais na tumulong na ipadala ang kanilang ayuda sa police community relations group sa Camp Crame.

Samantala, bibigyan naman ni PNP Chief, Dir. Gen. Nicanor Bartolome ng pagkilala ang mga pulis na nakilahok sa search and rescue efforts noong kasagsagan ng pananalasa ng habagat.

Tiyak aniyang makakatanggap ng due recognition ang kanilang police personnel na sumabak sa peligrong dulot ng kalamidad kapalit ng kaligtasan ng mga apektadong indibidwal na tinamaan ng delubyo.

Pinuri rin nito ang mga pulis na aniya ay hindi maitatangging sobra-sobra ang naging sakripisyo na bagama’t bahagi aniya ito ng kanilang serbisyo publiko, kailangan din naman aniyang maramdaman ng kapulisan na kinikilala ang kanilang kabayanihan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.