PNP at NPA Nagbanggaan sa Cagayan

PATULOY ANG ginagawang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) sa mga nakatakas na hinihinalang rebeldeng New People’s Army (NPA) na kanilang nakasagupa sa Brgy. Lakambini, Tuao noong araw ng Sabado.

Ayon sa pahayag ni Insp. Trichelle Dela Cruz, pinuno ng 3rd Maneuver Platoon ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na siya ring namuno sa operasyon, sinabi nito na agad silang nakipag-ugnayan sa Special Weapons and Tactics (SWAT) at intel operatives ng CPPO matapos matanggap ang sumbong ng ilang residente ng Brgy. Lakambini na mayroong presensiya ng mga armadong grupo roon.

Kumpirmado ang nasabing sumbong matapos silang paputukan ng walong armadong kalalakihan noong matunugan sila habang papalapit sa kanilang kubo-kubo, ani Dela Cruz.

Dahil dito, nakipagpalitan sila ng putukan kung saan umabot ito ng 15 minuto hanggang sa tuluyang umatras ang mga armado at nagtago ang mga ito sa ilang barangay ng Piat, sa karatig-bayan ng Tuao.

Samantala, nahuli naman ang mga kasamahan ng mga ito na sina Melanie Maguddayao, 18; Carmilita Bautista, 20; at Mildred Maguddayao, 32, na pawang mga residente ng Brgy. Lakambini matapos magtago ang mga ito sa cockpit arena.

Walang nasugatan sa panig ng kapulisan at hinihinalang maka-kaliwang grupo dahil walang nakitang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng engkuwentro, dagdag pa ni Dela Cruz. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.