PNP, AFP at LGUs, Sama-Samang Naglinis ng Ilog

TINATAYANG AABOT sa mahigit sa 500 na Bulakenyo ang makikiisa sa sabayang paglilinis at pagpapatrolya ng Marilao-Meycauayan-Obando River System sa Bulacan kahapon ng umaga.

Kasama sina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police, 56IB at 18th Special Forces ng Philippine Army, Air Force Reservists at iba pang non-government organizations na magpapatrolya sa kailugan kasabay ng panawagan sa publiko na huhulihin ang sinumang lalabag sa batas na may kinalaman sa pa-ngangalaga sa kailugan.

“This activity is part of our long-term solution to erase the bad image that is associated with our MMORS. We are serious in making our vision a realization, and with the help of other government agencies and the citizens as well, I am positive that we can be successful in this project,” Alvarado said.

Kasabay nito, sinabi naman ni Vice-Governor Fernando na magkakaroon ng pipirmahang alituntunin at patakaran sa pagpapatupad ng Panlalawigang Kautusan Blg 09-2012.

Bunsod nito, iminungkahi ni Jim Valero ang pagpaparehistro ng mga bangka sa bawat munisipalidad upang madaling matukoy kung sino ang nagmamay-ari sakaling may bangka na lalabag sa batas, at pagkakaroon ng mga LGU ng malinaw na hatian sa teritoryo sa ilog upang malaman kung sino talaga ang dapat na maglinis sa kani-kanilang pook.

Lumagda sa naturang kasunduan sina Obando Mayor Orencio Gabriel, Meycauayan City Mayor Joan Alarilla, Marilao Mayor Peping Guillermo, mga NGOs, PNP Provincial Dir. P/Sr. Supt Fernando Mendez, Jr., Lt. Col. Lagnada ng 56IB PA, at San Jose del Monte City Mayor Rey San Pedro.

Layon nitong mas ma-ging matatag ang ugnayan ng bawat isa upang  tuluyan nang mapigilan ang pagtatapon ang basura sa mga kailugan.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.