PNP: 6 Pulis at 263 Gun Ban Violators, Naitala sa Buong Bansa

ANIM NA miyembro na ng Philippine National Police (PNP) ang naiulat na kabilang sa mga lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa buong bansa. Nabatid  na 229 dito ang mga sibilyan, 5 government officials, 22 security guards at 1 miyembro ng Cafgu.

Base sa pinakahuling datos ng PNP, nabatid na umakyat na sa 263 ang naitala na mga gun ban violator sa buong bansa habang 227 na mga baril ang nakumpiska na sa iba’t ibang checkpoint habang nakakuha rin ng 1,063 mga bala.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Generoso Cerbo, mas lalong pinaigting ng PNP ang kanilang checkpoint habang papalapit na ang May 13 election.

Samantala, inaasahan pa rin ng PNP na tataas pa ang numero ng mga gun ban violator sa darating na mga araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.