PNoy, Walang Timetable sa Sex-For-Fly Probe

NILINAW NG Palasyo na walang timetable si Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino  III sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) para tapusin ang pagsisiyasat sa ‘sex-for-fly’ scheme.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ayaw ng Pangulo na inaapura ang pagsisiyasat para matiyak na maayos ang magiging resulta nito.

Sinabi ni Valte na nais ng Pangulong Aquino na mabilis pero walang makokompromiso sa imbestigasyon para makamit ang hangad na hustisya.

Samantala, muling tiniyak ng Palasyo na walang pagtatakpan sa pagsisiyasat at managot ang dapat parusahan.

“Wala naman pong naibigay. You know, if you notice, the President does not like giving timetable kasi minsan naaapura po nang hindi nagagawa nang maayos ‘yung trabaho. So, ang lagi pong bilin na lang ng Pangulong Aquino ay conduct a thorough investigation without… with speed and mind but will not sacrifice the quality of the investigation,” ani Valte. “Sinisigurado po natin na patas ‘yung ginagawa po nilang imbestigasyon at kung mailabas po sa im-bestigasyon na kailangang meron pong may pananagutan at papatawan po sila ng karampatang parusa.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.