PNoy, Walang Plano Kontra Pagbaha – Marcos

INIHAYAG NI Sen. Bongbong Marcos na walang ginawa ang administrasyong Aquino para resolbahin ang problema ng pagbaha sa Pilipinas.

Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committees on local government at urban planning, housing at resettlement na puro press release lamang at wala siyang nakita na anumang malinaw na plano at malakihang flood control programs na ginawa ang gobyerno gaya ng bagong spillways at pumping stations, at reforestation projects matapos ang karanasan ng bansa sa bahang dulot ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Kung wala aniyang agresibong tugon ang gob-yerno sa grabeng pagbaha ay mas lalo itong lalala.

Hindi puwedeng tingi-tingi ang hakbang ng pamahalaan at hindi sapat ang paglilinis ng waterways para resolbahin ang paglubog sa baha ng bansa, giit pa ng mambabatas.

Idinepensa rin ng senador ang mga local government units sa kabiguang ma-relocate ang mga informal settlers sa mga estero na itinuturong dahilan ng mga pagbaha.

Paliwanag ni Marcos, hindi simpleng usapin ang relokasyon dahil nanga-ngailangan ito ng pondo at maraming dapat ikonsidera sa lugar at mga pasilidad na paglilipatan.

Samantala, katuwiran pa rin ni Marcos na walang suportang nakukuha ang LGUs mula sa national government para sa relokasyon kahit na orihinal na responsibilidad talaga ito ng National Housing Authority na ipinasa lamang sa mga lokal na gobyerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.