PNoy, tutok pa rin sa Zamboanga crisis kahit balik-Manila na

NAKABALIK NA sa Metro Manila si Pangulong Benigno Aquino III matapos ang mahigit isang linggong personal na pagtutok sa kaguluhan sa Zamboanga City.

Sa ulat, muling tiniyak ni PNoy na tuloy pa rin ang pagtugis ng government security forces sa natitirang miyembro ng Moro National Liberation Front-Nur Misuari faction na sumalakay sa lungsod.

Setyembre 13 nang dumating ng Zamboanga ang Pangulo na agad dumalaw sa mga apektadong residente na lumikas sa evacuation centers.

Samantala, inanunsyo rin ni Zamboanga city mayor Beng Climaco na maaaring bumalik na sa Miyerkules ang klase sa “non-critical” areas ng kanilang lungsod. Gayunman, mananatili pa rin umano ang pinaiiral na curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.