PNoy, tiwala pa rin kay AFP Chief Bautista

KUMPIYANSA PA rin si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Emmanuel Bautista.

Ito ang inihayag ng Malacañang sa naging batikos sa AFP kaugnay ng umano’y “failure of intelligence” nang hindi mahadlangan ang paglusob ng Moro National Liberation Front (MNLF)-Misuari faction sa Zamboanga City at ang paglusob ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Midsayap, Cotabato, Lunes ng umaga.

Sinabi pa nito na nakita ng sambayanan kung paano tumugon ang AFP sa mga insidente at maling sabihing sumablay ang intelligence nito.

Sa kaso aniya ng Zamboanga seige, lumaki pa sana ang problema kung hindi agad nasamsam ng tropa ng gobyerno ang isang grupo ng MNLF, samantalang na-contain agad ang sitwasyon at may napalayang bihag sa Cotabato.

Samantala, tiniyak din ni Lacierda na hindi maaapektuhan ng engkwentro sa Cotabato ang military operation sa Zamboanga City, dahil sapat ang kakayahan ng AFP upang masupil ang mga rebelde.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.