PNoy, sinampahan ng impeachment case dahil sa DAP

NAGHAIN NG impeachment case sa Ombudsman ang isang abogado laban kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Base sa tatlong pahinang reklamo ni Atty. Oliver Lozano, hiniling nito na magkaroon ng pagsisiyasat ang Ombudsman sa P72 bilyong savings na ipinalabas ng ehekutibo bilang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ipinamahagi umano ito sa mga mambabatas bilang kapalit ng pagpapasibak kay Chief Justice Renato Corona.

Iginiit ni Lozano na labag ito sa Konstitusyon dahil walang DAP sa Appropriations ng Kongreso.

Samantala, sakaling may probable cause ang reklamo, inihayag pa ni Lozano na isusunod ang paghahain ng verified complaint for impeachment sa Kongreso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.