PNoy, p’wedeng matanggal sa puwesto dahil sa yosi

DAHIL SA paglabag sa international convention sa paninigarilyo ang pwedeng maging daan sa  pagkatanggal sa puwesto ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’  Aquino III, ayon sa isang opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) assistant Commissioner Ariel Ronquillo, kamakailan, na nilalabag ng punong ehekutibo ang ilang probisyon sa Framework Convention on Tobacco Control na nagbabawal sa paninigarilyo sa loob ng mga establisim-yento ng pamahalaan.

“The President is not exempted. But under our rule, the only way to discipline the President is by filing an impeachment complaint against him,” ani Ronquillo.

Inihayag nito na naninigarilyo ang pangulo sa loob ng Palasyo at ayaw nitong itigil ang nasabing bisyo.

Pero aminado si Ronquillo na wala pa sa kasaysayan ng bansa na nasibak sa puwesto dahil lang sa paninigarilyo.

“In the history of this country, we have not seen a president who was impeached because of smoking or allowing tobacco industry interference,” dagdag pa ni Ronquillo.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Aquino na ibinoto siya ng mga Pinoy sa kabila ng kanyang bis-yo at patuloy siyang maninigarilyo basta’t wala siyang nilalabag na batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.