PNoy, Naglabas ng P2-M Para sa Ulo ng Advertising Exec Killer

KINUMPIRMA NG Palasyo ang paglalaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng P2 milyong pabuya para sa ikadarakip ng salarin sa pagpaslang sa account executive na si Kae Davantes.

Ito ay maliban pa sa naunang P500,000 inalok mula sa kumpanya ni Davantes at city government ng Las Piñas.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tinawagan ng Pangulo si Executive Sec. Jojo Ochoa para sa naturang pabuya.

Sinabi ni Lacierda na hindi nila alam ang dahilan kung bakit ganoon kalaki ang alok na pabuya o reward money.

Samantala, hindi naman naniniwala ang Palasyo na senyales ito ng pagkadismaya ng Pangulong Aquino sa PNP bagkus nais lang mapadali ang pagdakip sa salarin.

“That’s correct. Tumawag po si Pangulong Aquino kahapon, kagabi, kay Executive Secretary (Paquito) Ochoa at para sabihin na magbigay ng P2 milyong pabuya doon sa pumatay kay Binibining Davantes,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.