PNoy, Kinantiyawan si Bong

BUKOD SA batikos, nakatikim ng kantiyaw si Sen. Bong Revilla Jr. mula kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon sa punong ehekutibo, isang mahinang scriptwriter ang senador nang ihayahg nito sa privilege speech na nagmakaawa siya para gawing balato na ang conviction kay da-ting Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya ito linya o dialogue hindi naman nanalo sa sabong o anumang sugal ang mambabatas para hingan nito ng balato.

Una ng inihayag ng Pangulong Aquino na walang transaksyon bagkus sinabihan lamang nito sina Revilla, Estrada, Guingona at Recto na bomoto sa Corona impeachment sang-ayon sa merito ng naturang kaso.

Malakas daw ang pressure ng isang maimpluwensyang grupo na ayaw banggitin ni PNoy para ma-acquit si Corona kaya hindi nito hinayaang magtagumpay at mawala ang inaasam umanong hustisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.