PNoy, Kinampihan si Mar

MASAMA ANG loob ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at tinawag na ‘unfair’ ang umano’y pamumulitika umano ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa naging tugon ng national government sa pananalasa ng super typhoon Yolanda.

Una nang inihayag ni Romualdez sa Senate hearing na sinabihan siya noon ni DILG Sec. Mar Roxas na mag-ingat dahil siya ay ‘Romualdez’ habang ang Presidente ay isang ‘Aquino.’

Ayon sa punong ehekutibo na ginagamit ni Romualdez ang naturang pahayag ni Roxas para pagtakpan ang naging kakulangan ng kanyang panig.

Sinabi ng Pangulo na hindi ito nakatutulong sa problema at nagpapalala lamang sa sitwasyon.

Paliwanag ng Pangulong Aquino na nasabi ito Roxas dahil hindi maiiwasang mapulitika sa pagkakabilang sa magkalabang pamilya kaya ninais nitong maliwanagan muna ang nabanggit na isyu bagay na naiba na raw ang konteksto o interpretasyon.

“And unfortunate[ly]… you know I wanna speaking up all of the people, palagay ko unfair naman ang ginawa nila. Iyong the helicopter pilots ano who brought in the crews that re-opened Tacloban airport, PAGASA was saying the winds were too fast. They were suggesting delay na muna dahil may added risk to the pilots and the Air Force felt the risks were acceptable and the soldiers willingly rolled the planes in (?) of the air strips. The C-130 brought in the communications equipment… brought in partial of the relief et cetera,” ayon sa Pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.