PNoy, Hinamong Magbitiw sa Puwesto

HINAMON NG isang pari si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na gayahin si Pope Benedict XVI at magbitiw sa puwesto.

Sinabi ni running priest na si Father Robert Reyes na dapat tularan ng Pangulong Aquino ang ginawa ni Pope Benedict XVI na nagbitiw sa puwesto makaraang mabigong labanan ang korapsyon sa simbahan.

Ito ay kung talaga aniyang sinsero ang Pangulo na linisin ang pamahalaan laban sa mga katiwaliang may kaugnayan sa pork barrel.

Ayon pa kay Father Reyes, duda siya kung kayang pangatawanan ng Pangulo ang anti-corruption campaign dahil maraming opisyal ng pamahalaan ang mapagkunwari.

Samantala, kung hindi aniya magtatagumpay si Pangulong Aquino na labanan ang katiwalian sa administrasyon nito ay dapat siyang bumaba sa puwesto dahil sa kabiguang tuparin ang ipinangakong daang-matuwid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

4 thoughts on “PNoy, Hinamong Magbitiw sa Puwesto

  1. GUSTO KASI NIYA SA ANG BIDA AT MAGPROTEKTA KAY NAPOLES…..CBCP NAKAKAHIYA SA PAPA ANG BUNGANGA NITONG PARI NA ITO…NAKAKA SIRA NG IMAHE NG SIMBAHAN AT PARI…PWEDE BA CARDINAL TAGLE..PAPILIIN MO NA LANG ITONG PARI NA ITO KUNG GUSTO NYA MAG PA STAR O MAGLINGKOD SA DIYOS

  2. Dementia na yata yang pari na iyan. Pag-resign-in si Pnoy, eh sa kanyang presidency nga maraming nabunyag na anomaly. Mapipigilan ba niya ang mga kawatan. Kasi yung pork barrel eh talagang set aside para sa mga politico para GASTUSIN nila sa mga constituent nila kaso, kinukurakot. Parang mga magulang na nagsustento sa mga anak para maitaguyod ang pag-aaral. Kasalanan ba ng magulang kung wayward ang anak tniya. Duty & responsibility eh nakaatang sa bawa’t tao so di mo mababantayan ang isip at kalooban ng mga elected officials. Eh kung tutuusin nga puro mga kalaban ang magnanakaw, yung kaalyado niya so far eh clean slate. Porke me mga pari na kasama sa nabiyayaan ni Napoles, o ngayon di ba dapat ang mag-resign eh yung head ng kaparian. Nakakahiya, pari pa mandin.

  3. E sino ang gusto niyang magin presidente si Janet Lim Napoles.  Gumagawa na nga ng paraan di ba?  Sa administration ni PNoy nalantad ang katiwalian ng PDAF di ba?  Gusto na niya kaagad na pababain?  Maraming dapat asikasuhin sa simbahang Katolika.  Kung si Pope Benedict XVI ay nagbitiw bilang Papa dahil nabigong labanan ang korapsyon sa simbahan, bilang Pari ano ang maiaambag niya para labanan ang korapsyon sa simbahan?  Hinde ba dapat ito ang kanyang inaasikaso at hinde ang politika?  Nagtatanong lang po father?

  4. I never thought I’ll say anything negative about a priest, but this Reyes person must be missing a screw. Kamaganak ba ito noong isang Reyes na palaging nagde-demonstrate ? Perhaps this priest, if he really is one, should read more and do his research.

Leave a Reply

Your email address will not be published.