PNoy, Hawak na ang ‘Memo’ sa Isyu sa Parole ni Leviste

HAWAK NA umano ng Pangulong Noynoy Aquino III ang pangalawang memoramdum ni Justice Sec. Leila de Lima hinggil sa usapin sa paggawad ng parole kay homicide convict at dating Batangas Gov. Antonio Leviste.
Sinabi ng kalihim na kanya nang ipinauubaya sa punong ehekutibo ang pinal na desisyon tungkol dito.
“Yung second memorandum ko, ‘yun naman ang aking posisyon, ‘yung aking insights and views kung tama ba ‘yung pagkakabigay ng parole. At nagbigay rin po ako ng recommendation. But in deference to the President, out of respect to him, hindi ko muna ishi-share sa inyo kung ano’ng laman ng aking memorandum. Gusto kong mag-usap muna kami,” pahayag ni De Lima.
Una na ring inamin ni De Lima ang responsibilidad sa kontrobersiyal na pagkakagawad ng parole kay Leviste.
Sa ngayon, ipinapasa-Diyos na lamang umano ni Leviste ang napipintong pagbawi ng kanyang parole.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.