PNoy, Handa sa Impeachment

HANDA SI Pangulong Noynoy Aquino III na harapin ang anumang impeachment complaint kung sakaling ideklara ng Supreme Court (SC) na labag sa batas ang kontrobersiyal niyang economic stimulus program, ayon sa Palasyo.

Inihayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na naniniwala ang punong ehekutibo na legal ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kinukuwestiyon sa SC ng ilang grupo ang kontrobersiyal na DAP, na nagre-realign ng savings upang pondohan ang mga proyektong panukala ng mga senador, kongresista at mga ahensiya ng pamahalaan para isulong ang pag-unlad ng ekonomiya simula 2011.

“The President adheres to good governance. This principle also guides his relations with Congress. The President believes that his actions as Chief Executive are based on the law and the Constitution,”pahayag ni Coloma.

“If some lawmakers want to impeach him, they have a right to do that. The government is prepared to face any case. The President himself said he is ready to face any complaint in case it happens,” aniya.

Sinabi ito ni Coloma para pabulaanan ang mga espekulasyon na hindi magagawa ng Pangulong Aquino na harapin ang isang impeachment complaint kung wala ang kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.