PNoy, ‘di tatahimik sa DAP

IGINIIT NG Palasyo na hindi papipigil ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa pagpapaliwanag sa Disbursement Accelaration Program (DAP) na mainit na pinagdedebatehan.

Una rito, pinatatahimik na ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco ang punong ehekutibo sa pagtalakay sa publiko ng kontrobersiyal na DAP.

Base sa inihaing petisyon sa Korte Suprema, hayagang inakusahan ng former congressman ang Pangulo Aquino nang umano’y paglabag sa tinatawag na “sub judice rule”, nang muli itong magkomento sa publiko kaugnay sa isyu ng DAP, sa gitna nang nakabinbing kaso sa Kataas-taasang Hukuman.

Maliban sa pangulo, saklaw rin sa hinihinging gag order ni Syjuco sa Supreme Court (SC) sina Budget Secretary Florencio Abad at Senate President Franklin Drilon.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, sa kanilang pananaw hindi dapat maging sagabal ang petisyon ni Syjuco sa ginagawa ni PNoy.

Samantala,  bahala na raw ang SC na pagpasyahan angnaturang isyu at kanila naman itong igagalang.

“Sa pananaw po namin hindi naman dapat iyan makapigil doon sa proseso. Pero, muli, ipauubaya na lang po natin sa Korte Suprema ang pagpapasya hinggil diyan,” ayon kay Coloma.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.