PNoy, ‘Di Raw Nag-Walkout

ITINANGGI NG Palasyo na nag-walkout si Pangulong Noynoy Aquino III sa disaster meeting kamakailan sa Tacloban City.

Sinabi ni PCOO Assistant Secretary Rey Marfil na walang katotohanan na nag-walkout ang punong ehekutibo sa nasabing meeting kasama ang ilang negos¬yante mula sa Tacloban City nang bumisita ito sa sinalanta ng kalamidad.

Ayon kay Asec. Marfil, lumabas lamang ng  silid ang pangulo para magpunta sa comfort room at agad na bumalik din sa pulong.

Inihayag pa ni Marfil na walang katotohanan na iniwan ni PNoy ang pagpupulong dahil nagpaunlak pa nga ng panayam sa media.

Samantala, matatandaan na inireport na nag-walkout si Pangulong Aquino sa nabanggit na pulong matapos mairita sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) hinggil sa 95 porsyentong tinamong devastation ng naturang lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.