PNoy, ‘Di Kabado sa Pagbagsak ng Rating

HINDI IKINABABAHALA ng Palasyo ang posibilidad na bumaba na naman ang rating ni Pangulong Noynoy Aquino III sa harap ng mainit na isyu ng power rate hike, pati na ang nakaambang pagtaas din sa singil sa pasahe sa MRT at LRT.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ilang beses nang nasagot ng punong ehekutibo ang pagbaba ng kanyang performance rating at hindi raw ito dahilan para siya’y kabahan dito.

Sinabi ni Coloma na mismong si PNoy ang nagsabing mas matimbang sa kanya na gawin ang tama at nararapat para sa kapakanan ng sambayanan kaysa sa mataas na rating.

Hindi aniya natutulog ang pamahalaan at lalong hindi nagpapabaya sa mga kinakaharap na pasanin ng mga mamamayan. Patunay aniya rito ang kautusan ng Pangulo na siyasatin ang malaking itinaas sa singil sa kuryente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.