PNoy, ‘bagito at ignorante’ – Chinese media

TINAWAG NA ‘bagito at ignorante’ ng Chinese media si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III matapos ang na-

ging pahayag nito ukol sa tensyon sa Tsina at pagsaklolo sa ibang bansa.

Base sa komentaryo na lumabas mula sa state news agency na Xinhua, ang ginawang paghahalintulad ng punong ehekutibo sa Chinese rulers at Nazi Germany leader Adolf Hitler ay isang hakbang na “exposed his true color as an amateurish politician who was ignorant both of history and reality.”

Naging kaisa umano sa boses ni PNoy ang “disgraced” na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ikinumpara naman ang relasyon ng Japan at Tsina sa nangyari sa pagitan ng United Kingdom at Germany noong World War I, sa talumpati nito sa World Economic Forum sa Switzerland noong Enero.

Iginiit pa ng Xinhua writer na si Ming Jinwei may “sound historical foundation” ang pag-aari ng Tsina sa South China Sea.

Taliwas din aniya sa akusasyong pambu-bully ng Pilipinas ang posisyon ng Tsina na nais din na maresolba ang isyu “through dialogue and consultation on an equal basis.”

Aminado man ito na hindi madaling usapin ang territorial disputes, mahalaga aniyang maging “rational and reasonable” ang mga pahayag ng mga political leader.

Samantala, pumalag naman ang Palasyo sa pambabatikos ng Chinese news agency sa Pangulong Aquino.

Buwelta ni Communications Sec. Sonny Coloma, mahalagang matuto ito sa aral ng kasaysayan at gawing gabay sa pagkilos.

Sinabi ni Coloma na kailangang magkaisa ang mga bansang malaya sa pagtaguyod ng katuwiran. Dapat daw na umiral ang prinsipiyong ‘ right is might’ at hindi ‘might is right’.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.