PNoy: ASEAN, Dapat Kumilos Kontra ADIZ ng Tsina

SINABI NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa harap ng ASEAN at Japanese leaders ang kahalagahan ng payapang resolusyon sa agawan ng teritoryo.

Sa kanyang ginawang pagsasalita sa 40th ASEAN-Japan Commemorative Summit, nagpaliwanag ang punong ehekutibo sa dahilan kaya iniakyat ng Pilipinas sa United Nations (UN) ang territorial dispute sa West Philippines Sea.

Inihayag ng Pangulong Aquino na mahalagang idaan sa rules-based approach at sa arbitration ang resolusyon ng hidwaan para maging patas at sang-ayon sa international law ang solusyon.

Hinikayat rin ng Pangulo ang kapwa ASEAN leaders para magpahayag ng concern sa air defense identification zone (ADIZ) ng China sa East Sea at sa balak nilang pagpapatupad nito sa West Philippine Sea.

Ayon kay PNoy, ito ay banta sa aviation security at dapat ikonsiderang bawiin ng mga Chinese leader.

Ang naturang pahayag at posisyon ng Pangulo ay sinegundahan naman ni Vietnamese Pres. Nguyen Tan Dung.

Una nang inihayag ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na dapat maging kalma ang mga dawit na claimants para maiwasang lumala ang tensyon.

“The Philippines is pursuing a two-track approach. This approach is both peaceful and rules based. to manage tensions we are advocating the conclusion of a legally-binding code of conduct as soon as possible to resolve disputes we are advocating arbitration. The PH uses arbitration as an internationally-recognized forum for peaceful settlement of disputes. In addition, arbitration promotes the rule of law and redounds to the benefit of all parties. The PH call for the peace and stability in the region is amplified by a recent dev in the East China Sea on the establishment of an ADIZ, which raises concern on intl civil aviation safety and security. We all should be with greater concern the recent pronouncement of Chinese officials that China will establish other ADIZs in due course after completing relevant preparations,” pahayag ni PNoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.