PNA website, muling na-hack Litrato ni P-noy, binaboy

MULI NA namang inatake ng hackers ang isa sa mga website na pinatatakbo ng gobyerno, partikular na ang Philippine News Agency (PNA).

Matatandaan na sa nakalipas na isang buwan ay ilang ulit na itong nabiktima ng hackers, kung saan ang ilan sa mga ito ay nagpapakilala pang Chinese na umano’y umaangkin sa Scarborough Shoal.

Pero sa pagkakataong ito ay English characters naman ang mga katagang ginamit ng hackers na nagpakilala bilang “Apple@EvilShadow.”

Samantala, ginawa ring katatawanan at tila binaboy sa nasabing site ang litrato ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa inilagay na bote ng gatas sa bahagi ng bibig nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “PNA website, muling na-hack Litrato ni P-noy, binaboy

Leave a Reply

Your email address will not be published.