PMA: TRILLANES, UNCAVALIER!

KINONDENA NG PINUNO ng Philippine Military Academy (PMA) ang hindi maginoong pag-uugali o tinatawag nilang “uncavalier behavior” ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ang reaksyon ni PMA Superintendent Vice Admiral Leonardo Calderon ay bunsod ng hindi magandang pagtrato ni Trillanes kay dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee hinggil sa sinasabing katiwalian sa militar.

Sinabi ni Calderon na nalulungkot siya sa mga binitiwang salita ng junior officer sa kanyang senior officer.

Si Trillanes ay miyembro ng PMA Class 1979 habang si Reyes ay bahagi ng PMA Class 1966.        Sa kabilang dako, inilarawan ni Calderon si Reyes bilang honorable man sa kabila ng pagkakasangkot sa sinasabing pabaon system sa AFP.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.