PMA at Mga Kabaro, Iwas sa ‘Pinky’ Issue ni Lacson

UMIWAS ANG Philippine Military Academy (PMA) at ang mga batchmate ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa PMA na magkomento ukol sa patutsada ni Senadora Mirriam Defensor Santiago na hindi tunay na lalaki ang senador.

Sa ginanap na PMA Alumni Homecoming kahapon, tumangging mag-komento ang PMA at mga batchmate ni Lacson sa PMA Class 1971 nang uriratin hinggil sa ginawang patutsada ng senadora.

Maging ang ilang miyembro ng PMA Alumni Homecoming Association Incorporated tulad ni dating Presidente Fidel Ramos ay umiwas din sa naturang issue.

Maaalala na sa umiigting na iringan ng dalawang mambabatas na nag-ugat sa isyu ng pamumudmod ng cash gift, tinawag ni Santiago si Lacson na isang “Pinky” dahil hindi raw ito isang tunay na lalaki.

Gayunman, itinanggi naman ito ng senador at sinabing hindi ito bakla at hindi rin ito ‘under de saya’.

Samantala, naging matagumpay naman ang PMA alumni homecoming na nilahukan ng 1,500 na miyembro at kadete.

Matapos naman ang nasabing pagdiriwang, pinangunahan ni Vice President Binay ang pamamahagi ng lot certificates sa mahigit na 1,000 benepisyaryo sa Baguio City at Benguet.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.