Plunder vs PNoy, minaliit ng Malacañang

KUMPIYANSA ANG Palasyo na hindi tatayo ang kasong plunder na isinampa ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel fund scam.

Ayon kay Budget Sec. Florencio Abad, walang matibay na basehan ang nasabing reklamo ng grupo ng mga magsasaka dahil ginagamit ng kasalukuyang administrasyon sa tama ang pondo ng bayan.

Sa panig naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, batid daw ng KMP na may immunity ang punong ehekutibo sa mga kaso bilang sitting president.

Una rito, naghamon ng impeachment ang Pangulo sa nagsasabing iligal ang Disbursement Accelaration Program (DAP).

Samantala, iginiit pa ng Pangulong Aquino na kung may basehan sina dating Sen. Joker Arroyo at Sen. Miriam Santiago, isampa na lamang ang nabanggit na reklamo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.