Plunder Cases sa Pork, Walang Kompromiso

TINIYAK NG Palasyo na walang mangyaya-ring aregluhan sa mga mambabatas na kinasuhan ng Plunder na sangkot sa multi-bilyong pork barrel fund scam.

Ito ay sa harap ng luma-

bas na ulat na umano’y may isang opisyal na sangkot sa scam at nagpunta sa Malacañang para makiusap na bawiin ang kasong Plunder.

Kapalit daw ng pagbawi ng kaso ay ang pagsasauli ng opisyal ng mga kinita niya mula sa PDAF scam.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kanilang ginagarantiyahan sa publiko na walang sinuman ang makalulusot sa pagpapanagot ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Lacierda na oras na maisampa na ang kaso sa mga sangkot sa pork barrel fund scam, hindi na makikipagkompromiso pa ang pamahalaan.

“I can guarantee you that there’s no compromise because, once the charges are filed, it’s no longer with us. It is already with the Ombudsman, and the Ombudsman will have full discretion, as to what charges will be filed against any particular individual – both as a legislator and both as an official of all those NGOs,” ayon kay Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.