Plunder Case Laban Kay ‘Jose Velarde’, Pinigil ng SC

PINIGIL NG Korte Suprema ang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman sa kasong plunder ng negosyanteng si Jaime Dichaves sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO).

Nakapaloob din dito ang pansamantalang pagpigil sa Sandiganbayan na dinggin ang kaso.

Kapwa-akusado ni da-ting Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada si Dichaves kaugnay ng umano’y pagbubulsa ng kita mula sa pagbili ng Belle Corp. stocks ng Government Service Insurance System (GSIS) at the Social Security System (SSS) noong 1999.

Idineposito umano ang kita sa account ng isang “Jose Velarde” sa Equitable-PCI Bank. Sinabi ni Dichaves na binuksan niya ang account dahil sa “security” purposes.

Samantala, sa botong 4-0, inilabas ng 3rd Division ang TRO. Pabor dito sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Roberto Abad, Jose Mendoza at Marvic Leonen, habang nag-inhibit si Associate Justice Diosdado dahil kabilang siya sa mga nag-convict kay Estrada sa plunder case noong 2007.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.