Player sa PBL, feeling sikat at masyadong mayabang!

ITO NAMANG SI player ay feeling sikat na, wala pa nga siya sa kalahati ng kanyang basketball career ay malaki na agad ang ulo niya.

Sa totoo lang ang collegiete player na ito, pakiramdam na niya ay superstar na siya. Star player nga siya sa kanyang school, hanggang du’n lang siya. Kung nakuha man siya ng isang team sa amatuer league, hindi dahil sa kanya, kundi dahil gusto siya ng coach at kahit papaano ay may nakatulong sa kanya.

Hay, naku! Mahirap talaga kapag nabigyan lang ng breaks ang isang manlalaro ay naiiba na agad ang hangin. Sa totoo lang hindi raw need ng player ang manager, kasi may talent naman siya. Ganu’n? Hoy, gising! Baka nananaginip ka lang?!

(By Malou Aquino)

 

 

loading...

2 thoughts on “Player sa PBL, feeling sikat at masyadong mayabang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.