Plate Number Bidding, Binira

BINIRA NI dating Cabinet Sec. Robert Aventajado ang naganap na bidding para sa motor vehicles plate supply contract ng Land Transportation Office (LTO) na napagwagian u-

mano ng JKG (Holland)/Power Plates Devt. Concept at partner nitong Industrias Samart (Spain)/Datatrail noong Miyerkules.

Si Aventajado ay da-ting presidential adviser on flagship project ng administrasyong Estrada ay isang mataas na opisyal ng RNA Holdings na kabilang sa anim na kumpanyang natalo sa P3.86 bilyong bidding ng LTO para sa mga plaka ng sasakyan.

Pinuna ni Aventajado na dinaan ng Bids and Awards Committee (BAC) sa pangunguna ni  Transportation and Communication Usec. Jose Perpetuo Lotilla sa teknikalidad ang bidding para matiyak  na mababasura ang alok ng anim sa walong pre-qualified bidder kasama na ang RNA Holding na lowest bidder.

Sinabi ng BAC na nag-alok ng kabuuang P3.18 bilyon ang JKG/Power Plates at P3.31 bilyon naman ang Samart/Datatrail na halos doble sa alok ng RNA na kabuuang P1.32 bilyon.

Lumalabas sa naging resulta, malinaw na agad na “nalugi” umano ang taumbayan ng may P2 bilyon matapos ibasura ng BAC ang alok ng RNA Holdings.

Sa pagsusuma naman, lumalabas na P380/set ang presyo ng plaka para sa “4-wheel vehicle” na isu-supply ng JKG/Power Plates habang P338.05 naman ang presyo ng Samart/Datatrail. Ang mga ito ay halos doble sa alok ng RNA na P163.85/set.

Samantala, ayon pa sa RNA, dapat nang maghanda ang mga motorista na magbayad ng doble para sa plaka ng kanilang mga sasakyan sakaling manalo pa rin ang alinman sa dalawang bidder kahit amoy ‘lutong makaw’ ang buong transaksyon.

Sa kanyang sulat kay Lotilla noong Mayo 7, inakusahan din ni Aventajado ang BAC na tumanggap ng mga proposal ng ibang bidder batay sa kanila uma-

nong pagsunod sa isang “non-existent” na ‘international standard’.

Sinabi pa ni Aventajado na walang tinatawag na “ASTM D 4956.8.5” para sa ‘reflective surfaces’ ng mga sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.