PLARIDEL, BULACAN – MISTULANG impiyerno ang naging buhay ng isang 16 anyos na dalagita matapos na ito’y gahasain at anakan ng kanyang sariling ama sa Brgy. Agnaya sa bayang ito. Sa report na tinanggap ni P/Sr Supt. Fernando Mendez, Jr., acting PNP provincial director, Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang inarestong suspek na si Dionisio Santos, 49 anyos, walang trabaho at residente sa nabanggit na barangay. Samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Jane. Nabatid sa dalagita na sinimulan siyang gahasain noong buwan ng Pebrero 2008. Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang panggagahasa sa biktima nang makulong ang ina ng bata sa Bulacan Provincial Jail sa kasong Swindling/ Budol-budol at ang biktima ay 13 anyos pa lang. Ayon pa sa biktima, huli siyang ginamit ng kanyang ama noong Agosto 2010 matapos malaman na siya’y nagdadalang-tao. Nabatid na humingi ng tulong ang biktima nitong Setyembre 2, 2010 sa Municipal Social Worker and Development (MSWD) ng Plaridel, Bulacan para makasuhan ang kanyang ama ng panggagahasa. Inaresto ang suspek matapos ang isang taon na pagtatago sa batas sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape with 31 counts na inisyu ni Judge Rolando Bulan ng Regional Trial Court of Bulacan, Branch 77, Malolos City, Bulacan at walang rekomendadong piyansa. Nasa pangangalaga ngayon ng MSWD ang 7 buwan gulang na sanggol na anak ng dalagita. (TONY DELA PEÑA)

PLARIDEL, BULACAN – MISTULANG impiyerno ang naging buhay ng isang 16 anyos na dalagita matapos na ito’y gahasain at anakan ng kanyang sariling ama sa Brgy. Agnaya sa bayang ito.

Sa report na tinanggap ni P/Sr Supt. Fernando Mendez, Jr., acting PNP provincial director, Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang inarestong suspek  na si Dionisio Santos, 49 anyos, walang trabaho at residente sa nabanggit na barangay. Samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Jane. Nabatid sa dalagita na sinimulan siyang gahasain noong buwan ng Pebrero 2008.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang panggagahasa sa biktima nang makulong ang ina ng bata sa Bulacan Provincial Jail sa kasong Swindling/ Budol-budol at ang biktima ay 13 anyos pa lang.

Ayon pa sa biktima, huli siyang ginamit ng kanyang ama noong Agosto 2010 matapos malaman na siya’y nagdadalang-tao.

Nabatid  na humingi ng tulong ang biktima nitong Setyembre 2, 2010 sa Municipal Social Worker and Development (MSWD) ng Plaridel, Bulacan para makasuhan ang kanyang ama ng panggagahasa.

Inaresto ang suspek matapos ang isang taon na pagtatago sa batas sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape with 31 counts na inisyu ni Judge Rolando Bulan ng Regional Trial Court of Bulacan, Branch 77, Malolos City, Bulacan at walang rekomendadong piyansa.

Nasa pangangalaga ngayon ng MSWD ang 7 buwan gulang na sanggol na anak ng dalagita. (TONY DELA PEÑA)

 

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.