Plantang Tinamaan ng Kidlat, Ipinasara ng BFP

HABANG NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa naganap na pagsabog na kagagawan umano ng kidlat, pansamantalang ipinasara ng Bureau of Fire Protection ang kumpanyang WT Treat Chemical Trading Corporation sa Brgy. Loma de Gato, Marilao,Bulacan.

Matatandaang labis na ikinagulat ng Pamilya Abiertas ang malakas na pagsabog sa harap ng kanilang bahay at nakita ang napakalaking tipak ng bakal na pumunit sa kanilang gate at sumira sa kanilang pader.

Base sa inisyal na ulat na pulisya, natagpuan sa tahanan ng Pamilya Abiertas ang puwitan ng isang tangke ng hydrogen peroxide, isang cleaning agent, na sumabog mula sa water treatment facility.

Nabatid sa tinanggap na report ng Provincial Desaster Risk Reduction and Management Council at Bulacan Rescue Team bukod sa nawasak na parte ng isang bahay, nayupi rin umano ang mga yero at nabasag ang mga bintana ng bodegang katabi ng planta.

Bukod dito’y naramdaman din umano ng mga residenteng malapit sa lugar ang ang mainit na shockwave na ilang kilometro na ang layo mula sa pagsabog. Masuwerteng walang namatay at nasugatan sa naganap na pagsabog.

Duda ang mga imbe-stigador na posibleng ang kapabayaan ang sanhi ng malakas na pagsabog at walang umanong kinalaman ang una nang sinabi na tinamaan ito ng kidlat.

Samantala, nangako naman ang may-ari ng water treatment faci-lity na sasagutin nila ang gastos sa lahat ng nasira-ng ari-arian. Gayunman, desidido naman ang mga residente na buhayin ang petisyon para mapasara o mapaalis ang planta sa komunidad.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.