Planong Political Party ng MILF, Suportado ng Malacañang

SUPORTADO NG Palasyo ang plano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na bumuo ng political party upang lumahok sa darating na May 2016 elections, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay Usec. Valte, welcome sa pamahalaan ang plano ng MILF na lumahok sa darating na May 2016 elections upang tuluyang makamit ang kapayaan sa Mindanao.

Matatandaan na inihayag mismo ng liderato ng MILF na plano nitong lumahok sa darating na May 2016 elections suba¬lit hindi naman malinaw kung sa party-list elections o sa local positions balak lumahok ng MILF.

Siniguro naman ng Malacañang na handa nitong suportahan ang planong ito ng MILF na sumabak sa pulitika sa 2016.

“However, as to the other initiatives, we will be providing the necessary assistance to them. We’ve seen this in the socio-economic initiatives that we’ve launched iyong sa Sajahatra and I would defer to Secretary Deles and to the members of the panel if any sort of assistance towards their political plans have been discussed amongst themselves,” giit pa ni Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.