Planong Panggugulo sa SONA, Binabantayan

IPINAUUBAYA NG Committee on SONA preparation sa kinauukulan ang lumutang na intelligence report ukol sa bantang kaguluhan kasabay ng magiging talumpati ng Pangulong Noynoy Aquino III sa Hulyo 22, 2013.

Para sa komite, PNP ang nakasasakop ng anumang isyu ukol sa seguridad, lalo na kung ang pag-uusapan ay sa labas ng Batasan Complex.

Sinabi ni Quezon City Police District head S/Supt. Richard Albano na sasailalim muna sa masusing berepikasyon ang intel report upang malaman kung anong grupo at saan manggagaling ang posibleng panggugulo.

Makikipagpulong din umano sila sa mga opisyal ng mga nagbabalak maglunsad ng rally upang ang mga ito mismo ang magbantay sa kanilang sariling hanay at maiwasan ang pagpasok ng ibang personalidad na may layuning manabotahe at manggulo lang.

Samantala, aabot naman sa 15,000 raliyista ang makikibahagi sa iba’t ibang palatuntunan sa araw ng SONA ng Pangulong Aquino ayon sa pagtaya ni Albano.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.